UMABOT | PNP, inilatag ang kanilang hawak na detalye patungkol sa war on drugs

Umabot na sa 4,410 ang bilang ng mga drug personalities na napatay sa 105,658 na anti- illegal drugs operations ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa nakalipas na dalawang taon ng Administrasyong Duterte o mula sa July 1, 2016 hanggang July 31 ngayong taon.

Sa Real Numbers Briefing sa Malacañang ay sinabi ni PNP Spokesman Police Sr. Supt. Benigno Durana na aabot naman sa 152,123 ang drug personalities ang naaaresto ng mga otoridad.

Kabilang aniya sa mga ito ay 569 na mga taga gobyerno kung saan 243 ang elected officals habang kawani naman ang 268 sa mga ito at 58 ang uniformed personnel.


Aabot naman aniya sa 1258 ang mga menor de edad na naaresto ng mga otoridad sa buong bansa at naibigay naman ang mga ito sa mga social welfare offices.

Umabot naman aniya ng 2,755 kilos ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad na aabot sa 14.79 billion pesos ang halaga at ito ay mula June 30 hanggang July 31 ngayong taon.

Facebook Comments