Isinagawa ng Commission on Election(COMELEC) ng kauna unahang Provincewide Operation Baklas sa Dagupan City upang alisin ang mga illegal campaign poster na lumabag sa panunutunan nito.
Ayon kay Atty. Mark Sarmiento ng COMELEC Dagupan umabot sa walong truck ang nabaklas ng ahensya sa buong Dagupan City kasama ang PNP, PPCRV, DENR, BFP at LGU. 90% ng nakuhang illegal poster ay lumabag sa panuntunan ng COMELEC at ito ay ang ikinabit bago pa magsimula ang lokal na pangangampanya. Sa sobrang dami ng mga lumabag hindi ito natapos at makakaasa ang bawat Dagupeno na may susunod pang Operation Baklas.
Sinabi ni Mark Sarmiento wala umano silang pinapanigang kandidato sa kanilang pagbabaklas dahil bago pa man magsimula ang operasyon sinulatan na ang mga kandidatong ito. Ang mga nakolektang illegal poster ay nasa tanggapan ng COMELEC ay maaring gawing ebidensya kung may magsasampa ng kaso laban sa mga kanidadatong lumabag.
Paalala ng COMELEC na dapat ipaalam sa mga private residence kung sila man ay magkakabit at kung private property man dapat sumunod sa 2X3 ft na size ng campaign poster. [image: com_logo_glossy_medium.png]
Umabot sa walong truck ang nakuhang illegal poster sa Operation Baklas ng Dagupan City
Facebook Comments