Manila, Philippines – Isinailalim sa immediate concern ng Quezon City Police District ang labintatlong incumbent at kumakandidatong Barangay Chairman ng QC.
Ayon kay District Director PC Superintendent Joselito Esquivel, Ito ay kasunod ng kabiguan ng mga ito na dumalo sa peace covenant na ipinatawag ng Commission on Election (COMELEC)
Sinabi ni Esquivel na anim na araw ang itinakda ng COMELEC para sa Peace covenant, pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay hindi nagpakita ang mga ito.
Ang peace covenant ay isa sa paraan ng comelec na mapigilan ang anumang personal na hidwaang pulitikal ng magkakatunggaling pulitiko na kalimitang nauuwi sa pisikal na karahasan
Idinagdag ni Esquievel na bagamat wala namang kongklusyon ang QCPD kung ano ang nasa isip ng nabanggit na mga barangay chairman , mamanmanan nila ang aktibidad ng labintatlong barangay bilang counter measure.
Nagbabala si Esquievel sa iba pang tumatakbong kandidato sa barangay at SKelections na siputin ang peace covenant na itinakda sa nalalabing limang barangay mula sa 142 barangays ng QC.