Manila, Philippines – Nagpadala na ng sulat sa Subcommittee on Undersea Features International Hydrographic Organization ang Department of Foreign Affairs (DFA) para tutulan ang pagpapangalan ng China sa limang undersea feature sa Philippine Rise. Gayunman, sinabi ni DFA Asec. Lourdes Yparraguirre na hindi sila masyadong umaasa rito. Ayon naman kay Senator Sherwin Gatchalian, hindi na dapat ipinagpapaalam kundi ipinagbibigay alam lang ang pagtutol ng bansa. Aniya, tulad lang ito ng pagpapalit ng pangalan mula Benham Rise. Kinumpirma naman ng DFA na nagkaroon ng lihim na hydrographic survey ang China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas noong 2004. Nabatid na may tatlong bansa pa ang magre-request na magsagawa ng exploration sa Philippine Rise kung saan ito ay kinabibilangan ng Amerika, Frace at Russia. Wala pang pinapayagan, pero ilan sa mga kondisyon ng Pilipinas ay mayroon dapat silang kapartner na Filipino scientist at bawal ang hydrographic survey na nakakakalap ng datos para pangalanan ang underwater features.
UMAKSYON | DFA, nagpadala na ng sulat sa International Hydrographic Organization para tutulan ang pagpapangalan ng China sa undersea features ng Benham Rise
Facebook Comments