UMAKYAT | Mga namatay dahil sa pag-inom ng lambanog sa Laguna, umabot na sa 10

Laguna – Umakyat na sa sampu ang bilang ng mga nasawi dahil umano sa pag-inom ng lambanog sa probinsya ng Laguna.

Kinumpirma ito ng Chief Barangay Tanod na si Jimmy Digamon.

Kabilang dito ang apat na lalaki mula sa bayan ng Sta. Rosa habang anim na ang nasawi mula sa Calamba.


Pare-parehong sintomas ang naramdaman ng mga biktima bago nasawi kabilang ang pananakit ng tiyan, paninikip ng dibdib at panlalabo ng paningin.

Ang lambanog na ininom ng mga biktima mula Sta. Rosa ay nabili umano sa sari-sari store sa Quezon Province habang ang lambanog na inimom ng mga biktima sa Calamba ay mula naman sa San Juan, Batangas.

Sinusuri pa rin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang sample ng Lambanog na pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.

Facebook Comments