Manila, Philippines – Umakyat na sa labing walong mga pulitiko ang naitatala ng Philippine National Police na naging sugatan at nasawi matapos na tambangan.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana, at batay sa naging pagpupulong ng Special Task Force 2019 midterm electiion nitong nakalipas na November 7, 2018.
Nakapagtala na sila ng apat na brgy captain, isang Brgy. councilor, isang city board member, limang alkalde, apat na municipal mayor at tatlong vice mayor na naging sugatan at namatay dahil sa pananambang.
Ito ay kahit na sa susunod na taon pa ang gagawing midterm election.
Paliwanag ni Durana, hindi ito nakakaalarma pero security concern ito ng PNP, aniya sa Pilipinas kapag papalapit ang panahon ng eleksyon ay tumataas ang bilang ng shooting incidents at ang mga biktima ay mga pulitiko.
Kaya naman aniya puspusan ang kanilang mga paghahanda ngayon para matiyak na magiging maayos at payapa ang gagawing midterm election sa susunod na taon.