UMAKYAT | Nasawi dahil sa bagyong Ompong, sumampa na 66 – ayon sa PNP

Manila, Philippines – Umakyat na sa 66 na indibidwal ang nasawi dahil pananalasa ng bagyong ompong sa bansa.

Ito ay batay sa monitoring na ginagawa ng Philippine National Police sa pamamagitan ng kanilang national operation center.

Sa ulat ng PNP as of 3pm ngayong Sept 17, 2018, pinakaraming namatay ay sa cordillera administrative region na umabot ng 54 na indibidwal habang 8 sa region 2 tig-iisang inidbidwal ang nasawi sa NCR, Region 1 at Region 3.


52 naman ang missing pa o nawawala pinakamarami rin sa CAR Habang 63 indibidwal naman naitalang sugatan dahil sa epekto ng bagyong Ompong.

Facebook Comments