HINDI NAGUSTUHAN | Latest video ni Asec. Mocha at isa pang blogger na nagsa-sign language, binatikos ni Senator Binay

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ni Senator Nancy Binay ang pinakahuling video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson at blogger na si Drew Olivar kung saan ginagawa nilang katatawanan ang sign language.

Para kay Binay, ang ginawa nina uson at bolivar ay maituturing na pangungutya at paghamak sa mga may kapansanan partikular sa mga pipi at bingi.

Giit ni Binay, malinaw sa itinatakda ng magna carta for disabled persons na mayroong paglabag na ginawa sina Uson at Bolivar.


Para kay Binay, ang aksyon nina Uson at Bolivar ay nagpapawalang saysay sa pagsisikap ng ating lipunan na mabigyan ng maayos na kapaligiran o kondisyon ang mga may kapansanan.

Paalala pa ni Binay kay Asec. Mocha, bilang isang opisyal ng paahalaan ay hindi nito dapat inaalipusta o ginagawang katatawanan ang taumbayan na kanyang pinaglilingkuran.

Facebook Comments