Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 60 milyong piso ang kabuuang pinsalang idinulot ng walang tigil na pagulan dahil sa epekto ng naranasang habagat.
Batay sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Pinakamalaking pinsala ay sa sektor ng imprastrakura na nagkakahalaga ng mahigit 33 milyon piso habang mahigit 30 milyong piso naman ang halagang napinsala sa sektor ng Agrikultura.
Ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ay namonitor sa ilang lugar sa region 1, region 2, at CAR.
Sa ngayon may mahigit limang libo pang pamilya ang nanatili sa 171 na mga evacuation centers.
Ang bilang na ito ay mula sa mahigit na 395,000 pamilya na naapektuhan ng habagat.
Facebook Comments