UMALINGASAW | Lalaki sa India, arestado dahil sa mabahong medyas

India – Arestado ang isang lalaki dahil sa suot nitong mabahong medyas.

Sakay ng bus ang lalaki kung saan hinubad nito ang kanyang sapatos at medyas.

Dito umangal ang mga ibang pasahero at sinabihan ang lalaki na alisin o itapon ang mabahong medyas.


Nagmatigas naman ang may-ari ng medyas na naging dahilan upang magsagutan ang mga pasahero.

Napilitan ang driver ng bus na magtungo sa isang police station at hinuli ang lalaki.

Kinasuhan ng “Public Nuisance” ang lalaki pero nakapagpiyansa ito kinalaunan.

Facebook Comments