UMALIS NA | Ilang lider ng Piston at miyembro nito, kumalas na at sinuportahan na ang PUV Modernization Program ng pamahalaan

2396

Manila, Philippines – Tuluyan nang kumalas sa Grupo ng Piston Jeepney Transport ang ilang lider at maraming miyembro nito at pumayag na sa isinusulong na PUV Modernization Program ng pamahalaan

Kabilang dito si Mar Garvida ,25 taong kasapi ng Piston at naging pangulo ito pagkatapos ng liderato ni Mr Medardo Roda.


Pagtiyak ni Garvida halos 50 porsiyento ng miyembro nito sa buong bansa ay nagpahayag na ng suporta sa Puv modernization program.

Wala na raw silang pagpipilian kungdi ang makiisa at sumunod sa programa ng gobyerno .

Nababahala kasi sila na tuluyang malusaw ang kanilang kabuhayan kapag hindi sinamantala ang nasabing programa.
Bilang pakikiisa sa ika-31 taong anibersaryo ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board, nagsagawa ng caravan ang ibat ibang transport group sa ilang lugar sa Quezon City at ipinarada ang mga bagong prototype na modernong PUVs.

Facebook Comments
From Advertisers