UMALMA | 2 kongresista, pumalag sa mga pahayag ni Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Manila, Philippines – Umalma sina Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento at Sorsogon 2nd District Rep. Deogracias Ramos sa pagtukoy ni House Majority Leader Rolando Andaya na sobra-sobra ang pondo na inilaan sa kanilang mga distrito at ang pahayag nito na hindi kailangan ng kanilang distrito ng mga flood control projects.

Ayon kay Sarmiento, binabaha ang kanilang lalawigan kaya nararapat lamang ang nasabing proyekto.

Sinabi naman ni Ramos na madalas bahain ang bayan ng Irosin at Bulan kaya tama lamang ang flood control projets.


Dagdag ni Sarmiento, hindi masama sa pagtanggap ng kanyang distrito ng malaking pondo para sa mga pagawaing bayan sa lalawigan.

Simula anya 2010 ay tumatanggap ng nasa P1.5B na budget allocation ang kanyang distrito.

Dapat ding tingnan ni Andaya ang ibang distrito na tumatanggap ng mas malaki pang pondo kaysa sa kanilang distrito.

Facebook Comments