Manila, Philippines – Inalmahan ng grupong BAYAN ang nakaamba na namang dagdag-singil ng mga water concessionaire sa Oktubre.
Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes – hindi napapanahon at mas lalong dapat tutulan ngayon ang water rate hike dahil na rin sa pagpalo ng august inflation rate sa 6.4 percent.
Aniya, hirap na nga ang mga konsyumer sa mahal na mga bilihin, panibagong pasakit na naman ang nakaambang dagdag-singil sa tubig.
Giit pa niya, walang transparency ang proseso ng rate rebasing kaya hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga stakeholder na maihayag ang kanilang pagtutol.
Una rito, ipi-prisenta ng metropolitan waterworks sewerage system o mwss ang rekomendasyon nito para sa ipatutupad na dagdag-singil.
Posible umanong umabot sa mahigit pitong piso per cubic meter ang dagdag-singil ng Manila water habang mahigit anim na piso sa Maynilad.