Manila, Philippines – Umaalma ang MAKABAYAN sa Kamara matapos na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7376 o ang pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government o PCGG at Office of the Government Corporate Counsel.
Sa ilalim ng panukala ay ililipat sa Office of the Solicitor General ang tungkulin ng PCGG at OGCC.
Nababahala ang mga kongresista sa Makabayan na kapag naibigay sa OSG ang trabaho ng PCGG at OGCC ay magkakaroon ng “historical revisionism” sa kaso ng ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos.
Kapag nasa OSG na ang tungkulin ay hihina at mawawalan na ng ngipin ang batas para habulin pa ang nasa limang bilyong dolyar na nakaw na yaman ng mga Marcos.
Nangangamba din ang MAKABAYAN sa maraming kawani ng gobyerno na mawawalan ng trabaho dahil sa pagbuwag sa PCGG at OGCC.
Sa botong165 na Yes at 7 na NO ay inaprubahan ang panukala sa pagbuwag sa PCGG at OGCC.