MALAYA NA | 2 pulis na dinukot sa Sulu, pinalaya na

32

Sulu – Kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na pinalaya na ang dalawang babaeng pulis na dinukot ng grupong may koneksyon sa Abu Sayyaf group sa Barangay Liang Patikul Sulu.

Aniya ngayong hapon ay na kay Sulu Governor Sakur Tan na ang dalawang pinalayang bihag.

Hindi pa maidetalye ni Albayalde ang sirkumtansya ng pagpapalaya

Pero malaki aniya tulong ng ginawang pakikipag negosasyon ng mga local Government officials sa lugar sa mga kidnapers kaya pinalaya ang dalawang pulis.

Isinasailaim na ngayon sa Debriefing at Medical Examination ang dalawang pinalayang pulis.

Matatandang April 29, 2018 nang dukutin ng grupo sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad sa Barangay Liang Patikul, Sulu.

Facebook Comments