Manila, Philippines – Nagsawa ng kilos protesta ang grupo ng mga may-ari ng sari-sari store at karinderya.
Ito ay para ipanawagan ang pagbasura ng panukalang nagpapataw ng dagdag-buwis sa mga inuming matatamis at may asukal.
Ayon kay Victoria Aguinaldo ng Philippine Association of Stores and Carinderia Owners (PASCO), malaking epektong idudulot ng Sugar Sweetened Beverage (SSB) tax sa kanilang kabuhayan.
Aniya, hindi naman puwedeng umasa na lamang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga maliliit na negosyanteng maaaring tamaan ng dagdag-buwis.
Malaking kita aniya ang kanilang miyembro ay mula sa matatamis na inumin gaya ng soft drinks at powdered juice na umaabot sa 30% hanggang 40%.
Magkaiba ang bersiyon ng SSB tax ng Kamara at Senado.
Sa bersiyon ng Kamara, P10 ang ipapataw na buwis kada litro ng inuming gumamit ng lokal na asukal at P20 sa kada litro ng mga inuming ginamitan ng ibang pampatamis.
Sa bersiyon naman ng senado, P9 ang ipapataw na buwis sa mga inuming may high fructose corn syrup at P4.50 sa kada litro ng mga inuming gumamit ng caloric at non-caloric sweeteners.