ROLL BACK | Presyo ng LPG, tinapyasan

Manila, Philippines – Nagpatupad ng roll back ang Petron Corporation sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG nito ngayong araw.

Epektibo alas 12:01 ng madaling araw, may bawas na P0.40 kada kilogram ang kanilang gasul at fiesta gas.

Habang ang kanilang Auto LPG ay bababa din ng P0.20 kada litro.


Ang naturang roll back ay dahil sa resulta na din ng international contract price ng LPG ngayong Disyembre.

Facebook Comments