UMALMA | Pahayag ng AFP na lilitisin ang mga sundalong nagsagawa ng Oakwood mutiny, pinalagan

Manila, Philippines – Umalma si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano sa naging pahayag ng AFP na muling lilitisin si Senador Antonio Trillanes IV matapos na ipawalang bisa ng Malacañang ang amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Trillanes.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Alejano na walang basehan ang naging pahayag ng tagapagsalita ng AFP na muling i-Court Martial si Trillanes dahil hindi naman siya sundalo na noong siyang naghain ng kandidatura ay naging sibilyan na si Trillanes.

Nangangamba rin si Alejano na posibleng siya ang isusunod umano ni Pangulong Duterte dahil isa siya sa mga kritiko ng Pangulo pero pinaghahandaan aniya niya ang lahat ng gagawin ng gobyerno laban sa mga tumutuligsa sa kasalukuyang administrasyon.


Naniniwala ang kongresista na hindi titigil ang Duterte Administration hanggat hindi nakukulong at natatahimik ang lahat ng kanyang mga kritiko.

Facebook Comments