UMALMA | Paratang ng NDF na massacre ang ikinamatay ng 7 NPA sa Antique, inalmahan

Manila, Philippines – Umalma si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa naging pahayag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na masaker ang ikinasawi ng pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) at kagagawan ito ng mga pulis at mga sundalo sa San Jose Antique kamakailan.

Ayon kay Albayalde, hindi magagawa ng tropa ng pamahalaan ang pumatay ng walang kalaban laban lalo at suportado nila ang isinasagawang localized peace negotiations sa pagitan ng NPA.

Hindi na rin daw bago ang pahayag na ito ng NDF dahil tuwing may namamatay aniya sa kanilang panig ay sinasabing minasaker ito at sila ay naapi.


Pero kapag mga pulis o sundalo ang namamatay wala naman daw komento ang grupo.

Sa ulat ng PNP dalawa sa pitong nasawing NPA ay mga kasong frustrated murder, namatay aniya ang mga ito sa isinagawang operasyon ng pulisya at military.

Facebook Comments