UMAMIN | Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach, gusto magka-anak ng beki

Manila, Philippines – Inamin ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach na kung magkaka-anak siya ay gusto niya ng beking anak.

Ayon kay Pia, gusto niyang maranasan na magkaroon ng anak na beki dahil nakikita niya na sa pagtanda niya ay aalagaan siya nito, aayusan at magiging bestfriend pa.

Si Pia ay kasalukuyang girlfriend ng racecar driver na si Marlon Stockinger.


Matatandaang naging magkasintahan sila Pia at Marlon nang kumpirmahin nila ito noong Enero ngayong taon.

Facebook Comments