UMAMIN | Naarestong Tunisian national, inaming dating miyembro ng ISIS terrorist group

Manila, Philippines – Inamin mismo ng naarestong Egyptian national na si Fehmi Lassqoued na dati siyang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS terrorist Group.

Batay ito sa kanyang mensahe kanina nang iprisenta siya sa Media dito sa Camp Crame.

Pero pinabubulaanan naman ito na nananatili pa rin siyang miyembro ng ISIS.


Sa panig naman ng mga awtoridad, kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na positibong miyembro ng international terrorist na ISIS si Lassqoued.

Aniya buwan ng Hulyo ng nakalipas na taon nang makapasok sa bansa ang suspek via Iran gamit ang pekeng passport.

Posible anyang nakakagpag-recruit na rin ito dito sa Metro Manila, at ngayon inaalam na nila kung gaano na karami ang kanilang na-recruit.

Pinawi naman ni PNP Chief Dela Rosa ang pangamba ng publiko dahil sa pagkakaaresto ng ISIS member.

Ayon opisyal nananatiling ligtas sa bansa dahil nahuhuli at napipigilan aniya ang mga teroristang nagtatangkang maghasik ng kaguluhan.

Facebook Comments