FRIGATE DEAL | Secretary Go, tiwalang magiging daan ng katotohanan ang senate hearing

Manila, Philippines – Naniniwala si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na magiging behikulo ng katotohanan ang imbestigasyon ng Senado sa Frigate deal ng Philippine Navy kung saan nakaladkad ang kanyang pangalan.

Sa pahayg ni Go sa kanyang pagdalo sa Senate Investigation sa issue ay sinabi nito na hindi hahayaan ng Adminsitrasyong Duterte na manaig ang kasinungalingan dahil alam nila na ang katotohanan ay nasa kanilang panig.

Sinabi din ni Go na tiwala sila na magiging daan ng katotohanan ang imbestigasyon ng Senado at hindi magpapagamit sa kasinungalingan para maisulong ang mga pansariling hangarin.


Kaya naman ibibigay aniya nila sa Senado ang kanyang buong pagtitiwala na magbibigay ng tuldok sa koontrobersyal na issue.

Facebook Comments