UMAMIN | PNP, inaming may pagkukulang kaya nakakapasok sa Metro Manila ang mga Maute Daesh Members galing Mindanao

Manila, Philippines – Inamin mismo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na may pagkukulang sa kanilang hanay kaya nakakapasok ang ilang Maute Daesh member sa Metro Manila mula sa Mindanao kahit na may umiiral na Martial Law sa buong Mindanao.

Ayon kay Dela Rosa, wala silang excuse sa mga pangyayaring ito pero ang mahalaga ay naaaresto ang mga ito pagdating sa Metro Manila at napipigilan ang planong panggugulo kung mayroon man.

Sa ngayon aniya mas hihigpitan pa nila ang kanilang Border Security Patrol, papalakasin ang intelligence gathering at mas babantayan ang mga vital areas upang mapigilan pa ang mga teroristang lumabas sa Mindanao.


Ang pag-amin ito ay ginawa ni Dela Rosa makaraang mahuli ang sub-leader ng Maute Daesh na si Nasse Lomondot alyas Muhammad sa Recto, Maynila na napadpad sa Maynila nito pang Enero ngayong taon kasama ang kanyang asawa na si Rizasalam Lomondot sa pamamagitan ng pagbiyahe sa lupa sakay ng PUV mula Mindanao.

Facebook Comments