Manila, Philippines – Nag sumite na ng kanyang kontra salaysay sa Bureau of Immigration (BI) ang Australian na madre na si Sister Patricia Fox
Kaugnay ito ng kinakaharap niyang deportation case matapos sumali sa mga kilos protesta sa Pilipinas.
Partikular na kinakaharap ni Sister Patricia ang paglabag sa Section 37 ng Philippine Immigration Act of 1940 na nagbabawal sa mga dayuhang turista na lumahok sa political activities sa Pilipinas.
Sa kanyang kontra-salaysay, inamin ni Sister Patricia na siya ay sumali sa mga rally at pagtitipon ng mga magsasaka, mga manggagawa at ng mga mahihirap na may ibat ibang hinaing sa gobyerno.
Iginiit naman ng Australian missionary na walang mali sa pagsali niya sa mga kilos-protesta dahil ito ay bahagi ng missionary work ng Sisters of Our Lady of Scion na kanyang kinaaaniban.
Nag sumite na rin si Sister Pat ng supplemental motion for reconsideration sa pagbawi ng BI sa kanyang missionary visa na aniyay labag sa kanyang right to due process.