PASSPORT APPLICATION | E-Payment scheme ipatutupad ng DFA

68

Manila, Philippines – Nagsasagawa ng pilot testing ng e-Payment ang Department of Foreign Affairs

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano nasa final stages na at kapag ito ay naging matagumpay ipatutupad na sa lahat ng consular offices ng ahensya ang E-Payment scheme.

Sa isinagawa ding pilot test lumalabas na lumiit ang bilang ng mga nasasayang na slots, ibig sabihin nabawasan yung kumukuha ng appointment pero hindi naman sumisipot sa mismong araw ng kanilang appointment

Nawala na rin ayon sa DFA ang bogus appointments dahil kinakailangan munang magbayad ang isang aplikante bago ma-confirm ang kanyang appointment

Naging mas mabilis din aniya ang proseso sa E-Payment scheme

Maliban dito sa mga susunod na pananahon magkakaroon narin ng application sa cellphone nang sa gayon ay hindi na kailangan pang pumunta ng isang aplikante.

Facebook Comments