Umano’y binagong 2019 budget, hindi pipirmahan ni Senate President Sotto

Nanindigan si Senate President Tito Sotto III na huwag pirmahan ang enrolled copy ng 2019 budget sa oras na mapatunayang ginalaw pa ito ng Kamara pagkatapos maaprubahan sa Bicameral Conference Committee at Maratipikhan.

 

Kaugnay nito ay hinamon ni Sotto ang Kamara na ipadala na sa kanila agad ang kopya ng 2019 budget na isusumite sa malakanyang para pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Sotto, susuriin nilang mabuti ang enrolled copy ng 2019 budget at hindi aaprubahan kung totoo ang mga natanggap nilang  impormasyon na may reallignments pang ginawa dito ang Kamara.


 

Diin ni Sotto, ang laman ng 2019 budget na lumusot sa bicam ang syang dapat laman ng enrolled copy dahil anumang pagbabago dito ay paglabag sa revised penal code o sa konstitusyon.

Facebook Comments