Manila, Philippines – Ibinayahe na pabalik sa Kuwait angumanoy bomb maker ng teroristang grupong ISIS na nahuli sa Taguig City,kamakailan.
Sa tarmac NAIA terminal 1, dinala si Hussein Aldhafiri nabantay sarado ng SWAT at Aviation Security Group.
Dito lumapit ang mga tauhan ng Kuwaiti security servicesat nilagyan ng “hood” ang ulo ng Kuwaiti fugitive bago isinakay sa militaryplane ng Kuwait.
Inaasahang ipagpapatuloy sa Kuwait ang pagkuha ngimpormasyon kay Aldhafiri na nadakip sa taguig nitong March 25 kasama ang misisna Syrian na si Zina Rafah na hawak pa rin ng mga otoridad.
Ayon sa Bureau of Immigration, bukod sa pagpi-finance sateroristang ISIS… inaalam na rin nila ang posibilidad na nakapagrecruit ng mgapinoy ang kompanyang pagmamay-ari ng suspek para sumali sa ISIS.
Patuloy din ang monitoring ng immigration para mapigilanang pagpasok ng mga dayuhan na may kaugnayan sa naarestong Kuwaiti.
Umano’y bomb maker ng teroristang grupong ISIS, ibinayahe na pabalik sa Kuwait
Facebook Comments