UMANO’Y DYNAMITE FISHING AT IBA PANG ISYUNG PANGISDAAN SA AGNO, BINABANTAYAN NG LGU

Nagtipon ang mga kinauukulang ahensya at sektor sa bayan ng Agno upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa dynamite fishing at iba pang suliraning pangisdaan na nakakaapekto sa yamang-dagat at kabuhayan ng mga mangingisda.

Isinagawa ang pulong katuwang ang mga kinatawan mula sa Liga ng mga Barangay, lokal na pulisya, Philippine Coast Guard, at mga tanggapan na may saklaw sa pangangalaga ng kalikasan at agrikultura.

Kabilang sa mga pangunahing napag-usapan ang mga ulat ng umano’y paggamit ng dinamita sa pangingisda, ilegal na pag-aani ng aragan o seaweeds, at ang mas mahigpit na monitoring ng mga bangkang rehistrado sa lokal na pamahalaan.

Layunin ng mga hakbang na ito na maprotektahan ang yamang-dagat at mapanatili ang kaayusan at kabuhayan ng mga mangingisdang umaasa rito.

Tiniyak ng mga dumalo sa pulong ang patuloy na koordinasyon at pagbabantay upang masugpo ang mga ilegal na gawain sa karagatan at mapalakas ang pangangalaga sa likas na yaman ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments