Mariing kinondena ng Makabayan Bloc ang anila’y ilegal na pag-aresto ng mga pulis sa propesor ng University of the Philippines na si Melania Flores dahil sa hindi pagre-remit ng SSS contributions.
Bunsod nito ay inihain ng Makabayan Bloc ang House Resolution 774, na humihiling sa House Committee on Human Rights na siyasatin ang ginawa ng mga awtoridad kay Flores.
Nakasaad sa resolusyon na layunin ng pagdinig ng Kamara na matukoy ang angkop na lehislasyon o paraan para hindi na maulit ang ganitong insidente.
Giit ng Makabayan Bloc at iba pang grupo, labag sa UP-Department of Interior and Local Government (DILG) Accord of 1992 ang kawalang ng koordinasyon ng mg pulis sa UP Diliman administration sa pag-aresto kay Flores sa kanyang bahay, na nasa loob ng UP campus.