Umano’y invasion sa privacy ng mga mamamahayag, pinapatigil ni Representative Lagman sa PNP

Pinapatigil na ni Albay Representative Edcel Lagman ang Philippine National Police (PNP) sa mga hakbang nitong maituturing na “invasion of privacy” sa mga mamamahayag.

Panawagan ito ni Lagman sa PNP kasunod ng report na may ilang mga pulis na bumibisita sa mismong bahay ng mga mamamahayag o kaya ay sa studio ng kompanyang kanilang pinapasukan.

Para kay Lagman, ang nasabing pagbisita ng mga pulis sa tahanan o lugar kung saan nagtatrabaho ang miyembro ng media ay nagpapaalala sa “operation tokhang” sa mga drug suspect.


Ayon kay Lagman, dapat itong itigil ng pulisya dahil bumubuo ito ng mga pagtatangkang pagpigil sa kalayaan sa pagpapahayag.

Diin ni Lagman, proteksyon laban sa pagbabanta at panganib ang kailangan ng mga mamamahayag sa pulisya at hindi ang panghihimasok sa kanilang privacy.

Facebook Comments