Film Director Paul Soriano, itinalaga ng pangulo bilang Presidential Adviser for Creative Communications

Kinumpirma ni Office of the Press Secretary OIC Usec. Cheloy Garafil na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si film Director Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications.

Si Soriano ay isang Filipino-American at kilala bilang commercial and film director, producer.

Siya ay asawa ng aktres na si Toni Gonzaga na tumulong sa pangangampanya noong panahon ng eleksyon kay Pangulong Marcos Jr.


Sa pahayag ni Usec. Garafil, sinabi nitong si Soriano ay manunumpa sa pangulo mamaya sa Malacañang.

Facebook Comments