Umano’y kilabot na ‘tulak’ ng ilegal na droga, arestado ng PNP sa Bulacan

84

Manila, Philippines – Nasukol sa ikinasang ‘buy-bust’operation ng Bulacan PNP ang itinuturing na notorious ‘drug pusher’ sa bayan ng Sta Maria.
Nabulaga at hindi na nagawa pang makapalag ang mga suspek na kinilalang sina Jessie Manioba 36-anyos at Arnel Guballa 39 anyos.
Sinabi ni Police/Chief Supt. Raniel Valones ang hepe ngSta. Maria Bulacan Municipal Police Station na nagpositibo ang pagbili ng shabu kay Manioba dahilan para salakayin ang loob ng kanyang bahay.
Bukod sa ilang ‘drug paraphernalia’, nasamsam din sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 8-libong piso.
Ayon kay PC Supt Valones, nasa ‘drug watchlist’ ng PNP sina Manioba at Guballa na umanoy ‘source’ ng ilegal na droga ng mga ‘drugaddict’ sa Bayan ng Sta. Maria, Bulacan.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isasampa sa dalawang naarestong drug personalities.

Facebook Comments