Umano’y manipuladong enrolled copy ng 2019 budget, babawiin ng kamara

Babawiin na ng kamara ang kontrobersyal na enrolled copy ng 2019 budget o general appropriations bill na umano’y kanilang nilapatan ng mga bagbabago.

Ang nabanggit na hakbang ng kamara ay inihayag ni Senator Panfilo Ping Lacson.

Sabi ni Lacson, tumawag sa kanya kahapon si Congressman Ronie Zamora para sabihin ang nabanggit na plano.


Ayon kay Lacson, Si Zamora ang inatasan ng liderato ng kamara para makipag uganayan sa senado kaugay sa isyu sa 2019 budget.

Muli binigyang diin ng senado ang paninindigan na labag sa konstitusyon ang ginawa ng kamara na realignments sa 2019 budget matapos itong aprubahan ng bicameral conference committee at ratipikahan ng 2 kapulungan.

Facebook Comments