Hindi totoo ang kumalat na ulat na may namataang Chinese research vessel na Hai Da Hao sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc sa Zambales na bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na mapaulat kamakalawa ang presensya ng nasabing barko sa karagatan ng Pilipinas.
Ayon kay Lorenzana, batay sa isinagawang berepikasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command sa lugar, walang patunay na pumasok ito sa Area of Responsibility (PAR) ng Naval Forces Northern Luzon.
Ang totoo aniya, na-monitor nila ang Hai Da Hao na nasa 30 nautical miles south ng Huidong Xian, Huizhou Shi, China.
Matatandaang kahapon ay pina-verify ng kalihim sa militar kung totoo ang impormasyon kasabay ng pagtiyak na laging nagbabantay ang hanay ng mga sundalo sa mga teritoryo ng bansa.