Manila, Philippines – Hindi big deal para sa Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ng National Democratic Front na mayroon silang natanggap na impormasyon na balak ng Estados Unidos ng Amerika particular ng Central Intelligence Agency na patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala namang basehan at hindi dapat ikabahala ang lumabas na report.
Sinabi pa ni Abella na matagal nang lumabas ang mga ganitong tsismis kaya hindi na nila ito ikinagulat at hindi na ito bago sa kanila.
Tinawag pang pathetic ni Abella ang NDF sa pag-epal o pagpasok ng kanilang grupo sa nasabing isyu.
Facebook Comments