Umano’y pag-anib ni Secretary Dizon sa campaign team ng isang presidential aspirant, pinabulaanan ng Palasyo

Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang lumabas na ulat na bahagi na umano ng campaign team ng isang tumatakbong Presidente si National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon.

Ayon kay Cabinet Secretary at Acting Spokesperson Karlo Nograles walang katotohanan ang lumabas na balita.

Sinabi ni Nograles na nananatiling myembro ng gabinete si Dizon at patuloy na nagta-trabaho bilang Presidential Adviser for COVID-19 response.


Naka-pokus ani si Dizon sa vaccination efforts ng pamahalaan at hindi sa anumang political campaign.

Lumabas kasi kahapon sa isang artikulo hinggil sa umanoy kabahagi na ng campaign team ni Manila Mayor Isko Moreno si Dizon.

Facebook Comments