Umano’y pagbibitiw ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, fake news ayon sa Malacañang

Pinabulaanan ni Communications Secretary Cesar Chavez ang umano’y pagbibitiw sa puwesto ni Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Ayon kay Chavez, nananatiling buo at hindi natitinag ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Teodoro.

Kabaliktaran aniya ito sa mga kumakalat na sabi-sabi na layong sirain ang pagkakaisa sa organisasyon na nais lamang protektahan ang publiko at depensahan ang teritoryo ng bansa.


Wala aniyang lugar sa kanila ang pamumulitika dahil abala sila sa kanilang misyon na pagsilbihan ang bayan.

Facebook Comments