Umano’y paghahakot ng buhangin sa coastal areas ng bansa at itinatambak sa WPS, pinaiimbestigahan ni PBBM

Nakarating na kay Pangulong Ferdinand Macos Jr., ang umano’y ulat na paghahakot ng buhangin sa mga coastal areas ng bansa at itinatambak sa reclamation activities sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dahil dito ay ipinag-utos ng pangulo ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa isyu.

Posible rin aniyang maibestigahan dito ang mga lokal na pamahalaaan na apektado ng mga hinahakot na buhangin o illegal quarrying operations o black sand mining.

Giit ni Castro, oras na matukoy na may pananagutan ang mga LGU na sangkot ay hindi sila mag-aatubiling ipatupad ang batas.

Hindi rin aniya magdadalawang isip si Pangulong Marcos na magbaba ng kautusan tungkol dito oras na makarating sa Palasyo ang resulta ng imbestigasyon.

Facebook Comments