Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Rosario, Cavite PNP at ng Maritime Group sa umano’y pagpapakamatay ng isang Police trainee.
Ito ay para maalis ang pagdududa ng pamilya ng biktimang si Justine Orpilla Buendia ng Alcala, Cagayan.
Batay sa report ng Rosario Municipal Police Station, Nagsuicide umano ang biktima sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang baril ng kanilang field training officer na si Police Chief Master Seargent Erwin Yazar ng PNP Maritime Group.
Sa ngayon, iniimbestigahan si Yazar kung bakit ang baril niya ang ginamit sa pagpapakamatay ng isa nilang Police trainee.
Kahapon ng umaga habang nagsasagawa ng Calisthenics ang mga police trainee ay bigla silang nakarinig ng putok ng baril sa rooftop ng kanilang boarding house sa Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.
Nang kanilang tingnan ay nakahandusay na ang biktima at may tama ng bala sa kaniyang ulo.
Isinugod pa ito sa Divine Grace Hospital pero idineklarang dead on arrival.
Sa inisyal na imbetigasyon, binaklas ng biktima ang door knob ng kanilang mga field training officer kaya nakuha ang baril na ginamit sa kaniyang pagpapakamatay.
Bago ang pangyayari, ilang araw nang naoobserbahan na balisa ang biktimang si Justine dahil sa kaniyang depression.