Manila, Philippines – Pinabubulaanan ng Armed Forces of the Philippines ang alegasyon ng National Democratic Front o NDF sa umanoy pangii-spy o pagmamanman ng pamahalaan sa galaw ng mga NDF consultants kabilang na ang magasawang Wilma at Benito Tiamzon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, mas prayoridad ng AFP ang pagsuporta sa mga hakbang na may kinalaman sa pagsulong ng usapang pangkapayapaan at hindi ang magmanman sa galaw ng mga NDF consultants.
Sinabi pa ni Arevalo, kailangang patunayan daw ng NDF ang alegasyong ito lalot kung sundalo ang sangkot.
Naniniwala rin si Arevalo na dapat ay malayang nakakagalaw ang NDF consultants dahil sila ay saklaw ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.
Sa ngayon aniya, patuloy ang pagtatrabaho AFP kung saan nakatuon sila sa kapakanan ng publiko sa harap na rin nanatiling umanoy banta ng terorismo sa bansa.