Umano’y pork barrel na nakapaloob sa 2019 proposed budget, pwede pang alisin ng Senado

Manila, Philippines – Tiniyak nina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson na walang kasiguraduhan na magiging parte ng 2019 national budget ang P55 billion na pork barrel funds na ugat ng away ng ilang kongresista.

Ayon kay Sotto, pwede nila alisin, bawasan o ilipat sa ibang ahensya ng gobyerno ang nabanggit na salapi base sa gagawin nilang pagbusisi sa panukalang pambansang budget.

Giit naman ni Lacson, labag sa konstitusyon ang pork barrel kaya dapat itong alisin sa budget.


Inhalimbawa ni Lacson ang natuklasang P8.3 billion na pork barrel funds sa 2017 national budget na ipinalipat nila sa pondo para sa free tuition.

Mainam din para kay Lacson nagkaroon ng pag-aaway hinggil dito ang mga kongresista dahil mas madali nilang itong mahahanap na hinihinalang isiniksik sa budget ng Department of Education (DepEd), Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Lacson, nakagawiang siksikan ng pork barrel fund ang budget ng DPWH sa road right of way pero naisaayos na raw ito ngayon.

Facebook Comments