MISSING | 27 mangingisda nawawala sa karagatang sakop ng West PH Sea

Nagpapatuloy ang isinasagawang search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na makatanggap ng information mula sa AFP Western Command (WESCOM) kaugnay sa 27 mangingisdang nawawala sa Southeast ng Rizal Reef, West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, itinigil muna nila ang search and rescue operations sa mga nawawalang mangingisda dahil sa sama ng panahon at malalaking alon kaya nagpasya muna sila itigil ang kanilang operasyon hanggat hindi payapa ang karagatan.

Paliwanag pa ni Balilo nasagip din ng isang fishing boat 217 ang isang mangingisdang nakilalang si Teddy Apat at nailipat na rin sa sasakyan ng PCG at nasa ligtas naman na kalagayan habang patuloy parin hinahanap ang 27 mga kasamahan nito.


Facebook Comments