Lanao del Sur – Kinukumpirma pa ng Joint Task Force Marawi kung konektado sa ISIS o sa Maute Group ang mga armadong lalaking namataan sa bayan na katabi ng Marawi City.
Ayon sa mga residente, madaling araw ng Biyernes nang makita nila ang nasa 20 armadong kalalakihan na pinaghihinalaang reinforcement ng Maute.
Binagtas umano ng mga ito ang mga palayan at maisan sa pagitan ng bayan ng Saguiran at Piagapo sa Lanao del Sur at tila umiiwas sa kampo ng militar.
Hindi nila alam kung saan nanggaling ang mga armadong lalaki na hindi naman naka-uniporme ng sundalo.
Matatandaang ito na ang ika-90 na araw ng giyera sa Marawi kung saan nasa 40 mga terorista pa ang tinutugis ng militar.
Facebook Comments