UMAPELA | Grab, naghain ng MR kaugnay ng P10-M na multa na ipinataw ng LTFRB

Manila, Philippines – Humiling muli ang Transport Network Company na Grab Philippines sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ikunsidera ang ipinataw sa kanila na P10 million na multa dahil sa implementasyon ng 2 pesos per minute travel time charge.

Sa 27-pahinang Motion for Reconsideration (MR), umapela ang Grab sa pamamagitan ng kanilang nakarehistrong kumpanya na mytaxi.ph kina LTFRB Chairman Martin Delgra at mga board member na baligtarin ang kanilang utos noong July 9 na pagmultahin ang Grab at ibalik ang dalawang piso na kada minutong singil.

Iginiit ng Grab na hindi naaayon sa batas ang pagpataw sa kanila ng multa.


Muli ring nanindigan ang Grab na valid at legal ang dalawang pisong singil hangga’t hindi ito idinideklarang unconstitutional ng korte.

Facebook Comments