Manila, Philippines — Umapila ang Transport Watch Philippines sa pamunuan ng Department of Transportation na isama na ang mga motorsiklo sa Transport Network Vehicles Service upang mapahintulutan na makapag-operate ng legal.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Transport Watch Convenor George Royeca na napapanahon na para pahintulutan ng gobyerno na mag operate ang motorcycle taxi upang maging lehitimo ang kanilang serbisyo at mapabilis ang paghatid sa kanilang mga pasahero sa kanilang paroroonan.
Paliwanag ni Royeca, kapag pinayagan ng gobyerno na maging legal ang motorcycle taxi, libu-libong commuters na nakararanas ng matinding trapik sa Metro Manila ang mabibigyan ang alternatibong sasakyan.
Giit naman ni dating LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton, hindi na kailangan na gumawa at magpasa ng bagong batas para maging lehitimo ang operasyon ng motorcycle taxi dahil ang kailangan lamang ay amtendahan ang kasalukuyang Department Order na nagpapahintulot sa UBER at GRAB bilang TNVS.