UMAPELA | Pagrenew sa prangkisa ng PECO, inihirit sa Senado ng PEPOA

Manila, Philippines – Umapela sa Committee on Public Services ang Private Electric Power Operators Association o PEPOA para sa pagrenew ng prangkisa ng Panay Electric Company o PECO.

Nababahala ang PEPOA na malagay sa alanganin ang highly urbanized city katulad ng Iloilo kung sa iba ipagkakaloob ang prangkisa na nararapat sa PECO.

Ayon PEPOA, ang pinaborang aplikante na More Minerals Corp. o MMC ay kailangan pang magtayo ng kinakailangang imprastraktura para sa power distribution.


Giit ng PEPOA, ang magagastos dito ay tiyak na ipapasa ng MMC sa mga consumers.

Hindi rin pinansin ng PEPOA, ang alegasyon na bigo ang PECO na sundin ang kautusan ng Energy Regulatory Commission o ERC noong 2014 na isauli ang sobrang naibayad ng customers nito.

Ayon kay PEPOA President Ranulfo Ocampo, ang nabanggit na mga nagrereklamong customers ay .01 percent lamang ng mahigit 60,000 customers ng PECO.

Ipinunto pa ni Ocampo na ang 95-taong peformance ng PECO ay nangunguna kumpara sa 146 electric distribution utilities sa buong bansa.

Facebook Comments