KINUMPIRMA | BI, may intelligence report na sasamantalahin ng illegal recruiters ang Undas

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration ang intelligence report na tatangkain ng human traffickers at illegal recruiters na magpabiyahe sa abroad ng kanilang mga mare-recruit

Partikular anilang magtatangka ang human traffickers ngayon peak season

Bunga nito, ipinag utos ng BI sa kanilang Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) na magsagawa ng secondary inspection sa mga kaduda-dudang Pilipinong pasahero.


Partikular na babantayan ng immigration officers ang mga magpapanggap na turista.

Mananatili ang heightened alert ng BI hanggang sa Nov. 4.

Facebook Comments