Manila, Philippines – Nakapaghain na ng motion for reconsideration ang dalawang telco bidders na na-disqualify bilang ikatlong major player ng bansa.
Nagtungo ang mga representative ng Philippine Telegraph and Telephone Corporation (PT&T) at Sear Telecom, bilang tugon sa tatlong araw na itinakda ng National Telecommunications Commission (NTC) komisyon para makapaghain sila ng apela.
Nakasaad sa mosyon ng PT&T ang paghiling nito na gawaran sila ng certification of technical capability subalit ayon sa NTC, hindi nila maaaring bigyan ang kompanya ng nasabing certificate dahil para lamang ito sa mga telco na may higit 10 taon ng karanasan sa industriya.
Pero giit naman ng PT&T na mahigit 50-taon na silang nag-o-operate.
Samantala, dalawang mosyon naman ang inihain ng Sear Telecom kung saan nakasaad dito ang pag-kwestyon ng kompanya sa pagkakapili ng NTC sa Mislatel Consortium bilang provisional third telco dahil sa umano ay breach of contract nito.
Habang kontra sa disqualification naman ang pangalawang mosyon bilang tugon sa P700-milyon participation security na bigo umanong mabayaran ng kanyang kompanya.