UMAPELA | Senate inquiry sa Calida security firm, pinahaharang sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Dumulog sa Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida at ang kanyang pamilya para humirit sa Supreme Court na magpalabas ng TRO o injunction sa plano ni Senator Antonio Trillanes na magsagawa ng Senate inquiry sa kontrata ng Vigilant Security Firm ng pamilya Calida.

Kabilang sa petitioners sa Petition for Certiorari at motion for the issuance ng Temporary Restraining Order laban kay Trillanes sina SolGen Calida, Milagros Calida, Josef Calida, Michelle Calida at Mark Jorel Calida.

Sa 33 pahinang petisyon, ikinatwiran ng mga Calida na walang otoridad ng Senado o ng Committee on Civil Service na pinamumunuang ni Trillanes komite ang planong imbestigasyon ni Trillanes na aniya malinaw na pag abuso.


Nais ng pamilya Calida na ideklara ng Korte Suprema na walang bisa at labag sa Konstitusyon ang pagdinig na ipinatawag ni Trillanes .

Binigyan naman ng Korte Suprema ng sampung araw si Trillanes para sagutin ang inihaing petisyon ng pamilya Calida.

Facebook Comments