Umapela si DSWD Usec. Rena Paje sa mga hindi pa nabibigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng SAP

Ayon kay Paje, bago matapos ang buwan ng abril ay paniguradong naipamahagi na ang lahat ng pondo para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Kaya maglaan sana ng kaunting pasyensya ang mamamayan dahil mabibigyan din ang lahat ng tulong.

Giit ni Paje, sakali mang ma-extend ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon, magpapatuloy pa rin ang pamimigay ng cash assistance sa mamamayan.


Samantala, nilinaw ni Paje na mayorya ng benepisyaryo ng social amelioration program ay ginagamit sa mabuting paraan ang kanilang natatanggap na tulong pinansiyal.

Taliwas aniya ito sa ulat na karamihan sa mga benepisyaryo ay ginagamit sa illegal na gawain ang kanilang natatanggap tulad ng sabong at droga.

Nangako naman si Paje na kakausapin nila ang mga pamilyang kabilang sa programa para kumibinsihing gamitin sa tamang paraan ang kanilang natatanggap na pera.

Facebook Comments